Lucban on TV

GMA News TV | Wonder Woman Lola Gunda | Brigada

GMA News TV | Wonder Woman Lola Gunda | Brigada

Source: GMA News | Brigada
Buong akala ng 80-anyos na si Lola Gunda, para sa school project ng kanyang apo ang mga larawan niyang nag-ala Wonder Woman sa kanilang bukid. ‘Di niya alam, kasama pala ito sa sorpresa ng kanyang mga anak at apo para sa kanyang 80th birthday.

Hindi rin inaasahan ng kanyang mga apo na magiging viral ang mga larawan ng kanilang minamahal na lola.

Kilalanin si Lola Gunday sa likod ng kanyang Wonder Woman costume sa video na ito. #Brigada

Matapos mabalo, mag-isa na lang itinaguyod ng 80-anyos na si Lola Gunda ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsasaka. Ngayong malalaki na ang kanyang mga anak, pinatitigil na siya ng mga ito sa pagtatrabaho pero ayaw pa rin niyang huminto sa dahilang ito raw ang tanging nagpapaalala sa kanyang yumaong asawa.

“Our Wonder Lola, a warrior in life.”

Viral ngayon ang Wonder Woman-themed photoshoot ng isang Lola sa Lucban, Quezon! Nagpapaalala kasi ito sa lahat na huwag nating kalimutang ipadama sa ating mga Lolo at Lola ang ating pagmamahal!

Siya si Nanay Segunda Unlayao. Noong una, akala niya ay para sa school project ng kaniyang mga apo ang photoshoot. Lingid sa kaniyang kaalaman, naghahanda pala sila ng sorpresa para sa kaniyang ika-80 kaarawan. Sabi ni Nanay Gunda, “Akala ko wala nang nagmamahal sa akin, pero ‘yun pala ang dami pa rin.”

Photos courtesy: Ronn Unlayao

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back to top button
Close